Sumugod sa tanggapan ng Department of Education sa Pasig City nitong Miyerkoles ng umaga ang ilang mga miyembro ng grupong "People's Surge" upang ikondena ang umano'y militarization sa mga paaralan sa lalawigan ng Samar.

Sa Twitter post ng ng "Dobol B sa News TV" ng Super Radyo dzBB, makikitang dala-dala ng mga nagpo-protesta ang kanilang mga streamer at maririnig ang mga slogan na kanilang isinisigaw.

Ang People's Surge ay isang alyansa ng disaster survivors sa Pilipinas, na nakabase sa Eastern Visayas, partikular sa "ground zero" ng super Typhoon Yolanda. —LBG, GMA News