Ilang unibersidad, kolehiyo, at paaralan ang magsususpinde ng klase sa February 25, 2026 bilang paggunita ng 40th anniversary ng EDSA People Power Revolution.

Deklaradong special working day ang February 25.

Ang paggunita ay tungkol sa naganap na 1986 EDSA People Power Revolution na naging daan upang mapaalis sa puwesto ang namayapa na noo’y nakaupong pangulo na si Ferdinand Marcos Sr. — ama ng kasalukuyang pangulo na si Marcos Jr.

Sa pagkakaalis sa puwesto ni Marcos Sr., pumalit sa kaniya ang namayapa na rin na si dating pangulong Corazon “Cory” Aquino, ang biyuda ng pinaslang na si dating senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr.,-- na ama ng namayapa na rin at dati ring pangulo na si Benigno “Noynoy” Aquino III.

Hanggang nitong February 22, ang mga unibersidad, kolehiyo, at paaralan na walang pasok sa February 25 ay ang mga sumusunod:

  • Ateneo de Manila University
  • De La Salle Philippines schools
  • University of Santo Tomas
  • University of the East (Manila—Caloocan)
  • Colegio de San Juan de Letran
  • Mapúa University (Intramuros, Makati, at Ayala Malls Manila Bay campuses)
  • Adamson University
  • Miriam College
  • St. Theresa's College of Quezon City
  • Far Eastern University (Manila at Makati)
  • University of Perpetual Help System DALTA
  • St. Mary's University
  • University of San Jose Recoletos
  • St. Bridget School, Quezon City
  • San Beda University (SBU Manila at Rizal campuses)
  • Elizabeth Seton School - South
  • University of Saint Louis Tuguegarao
  • St. Louis University

— FRJ GMA Integrated News