Binaril ang isang lalaki sa Quiapo, Manila bago mag-alas 9 noong Martes ng gabi ng dahil lamang sa masamang tingin.
Sa Ulat ng "Unang Balita" isinugod sa ospital ang biktimang kinilalang si Ronelo Ruado, na may tama sa dibdib.
Sa paunang imbestigasyon, nangyari ang pamamaril sa Evangelista Street at kitang-kita sa CCTV na inaakay si Ruado na may dala-dalang pamalo.
Nabaril na pala ito ng suspek na kinilalang si Archangel Serrano.
Pahayag ng suspek, tinitigan umano siya ng masama ng biktima dahil muntik na raw niya itong mabangga.
Umuwi umano siya ng bahay at nang lumabas siya uli inabangan daw siya ng biktima na maghawak-hawak na pamalo.
Ayon kay Chief Inspector Leandro Gutierrez ng Manila Police District, inamin ng suspek ang pamamaril gamit ang 9mm pistol, at inamin din nito na masamang titigan ang pinagmulan ng away. —LBG, GMA News
