Pinayagan ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang pagpapalabas ng fourth tranche ng salary increase ng mga kawani ng gobyerno. Iyon nga lang, para lang sa mga kawani ng lokal na pamahalaan (LGU) at government-owned and -controlled corporation (GOCC).
Sa isang pahayag nitong Biyernes, sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na nakakuha siya ng dalawang circulars mula sa DBM na pinapayagan ang LGUs at GOCCs na ilabas ang ikaapat na bahagi ng dagdag-sahod ng mga kawani sa ilalim ng Salary Standardization Law.
Pirmado ni Diokno ang Local Budget Circular No. 118 at Corporate Budget Circular No. 23 na may petyang January 15 at epektibo ng January 1.
Nakasaad sa Local Budget Circular No. 118 na ang kakailanganing pondo para ipatupad ang dagdag-sahod ay LGU personnel ay kukunin sa kanilang LGU funds.
Samantala, manggagaling naman sa aaprubahang corporate operating budgets ang pondong gagamitin sa wage hike ng mga kawani ng GOCCs, batay sa nakasaad sa Corporate Budget Circular No. 23.
Kinumpirma ni Diokno na pagpirma sa naturang mga kautusan.
"LGUs have their own budget hence can go ahead with the fourth tranche. Their IRA (internal revenue allotment) is automatically appropriated," paliwanag ng kalihim nang hingan ng komento ng GMA News Online.
"For government corporations, they can also pay for the fourth tranche provided their corporate budget, which is independent of the general appropriations act, has been approved by their respective boards," dagdag pa ni Diokno.
Ayon kay Andaya, ang pagpapalabas ng naturang kautusan ay patunay na may paraan si Diokno kung nais nitong ibigay ang dagdag-sahod ng mga kawani ng gobyerno.
Nauna nang sinabi ni Diokno na hindi maipapatupad ang salary hike ng mga kawani ng gobyerno, kasama ang mga guro at uniformed personnel dahil hindi pa naaprubahan ng Kongreso ang 2019 national budget.
“Now, he realizes what he has to do. He has to implement the law granting salary increases to civil servants even under a reenacted budget. The twin circulars only mean that what we are saying is true all along. It is the DBM that has the tools to implement the salary increases even under a reenacted budget,” sabi ni Andaya sa pahayag.
“Sec. Diokno is just taking these employees hostage in a desperate bid to force Congress to approve his pet projects the soonest time possible. Kung gusto ni Sec. Diokno, puwede pala niyang ipa-release ang salary increase under SSL IV. Nagawa na niya ito ngayon sa LGUs at GOCC. Bakit di niya magawa sa iba pang offices?” dagdag ng kongresista.-- FRJ, GMA News
