Mahigit P20 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Pasay City na nakapaloob sa limang parcel na idineklarang consumer items ang laman.
Sa ulat ng GMA News Saksi kagabi, sinabi ng BOC na naharang ang mga parcel noong December 15, na may lamang halos tatlong kilo ng shabu at halos isang kilo ng high grade marijuana o kush.
Mula sa BOC, ibinigay sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangangalaga sa nasabat na ilegal na droga, habang inaalam pa kung sino ang nasa likod ng tangkang pagpupuslit nito. – FRJ GMA Integrated News
