Sa bisa ng search warrant, pinasok ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang bahay sa Damariñas, Cavite, ayon sa ulat sa Saksi.

Nakita ang mga bag ng umano'y shabu na ayon sa PDEA 36 kilos at nagkakahalaga ng P245 million.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, konektado itong kaso sa Tanza, Cavite kung saan may nakuhang 274 kilos na nagkakahalaga ng humigit-kumulang na P1.9 million.

Natunton ang warehouse, safehouse at bahay ng grupo matapos maaresto sa Quezon City kaninang umaga ang nangungupahan dito na kinilalang si Jim Wahting, isang Chinese national at si Patrick Ban Kee na isa umanong Filipino-Chinese.

Hindi raw basta-basta ang grupo na posibleng kabilang sa Golden TRiangle Syndicate na nag-ooperate sa Laos, Myanmar, at Thailand. — BAP, GMA News