Nakitaan ng crack sa bungo ang isang mag-iisang buwang gulang na sanggol nang mabagsakan ito sa mukha ng durian.

Ayon sa ulat ni Athena Imperial sa GMA 24 Oras, bumagsak ang prutas sa mukha ni baby Abdul Bari nang bayuhin ng malakas na hangin ang kanilang lugar noong Lunes.   Nasira rin ang kanilang bahay.

Under observation pa rin ang sanggol sa ospital.

Pamamasada ng tricycle ang kinabubuhay ng ama, kaya humihiling sila ngayon ng tulong. —LDF, GMA News