Pito ang sugatan matapos bumangga ang isang bus sa poste ng Light Rail Transit sa Maynila nitong Sabado.

Sa lakas ng impact, wasak ang windshield ng bus, ayon sa ulat ng Balitanghali Weekend ng GMA News TV.

Kabilang sa mga sugatan ang driver ng bus na kinailangang sagipin mula sa pagkakaipit.

Isinugod sa ospital ang mga sugatan.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. —KG, GMA News