Tatlo ang kumpirmadong patay sa sunog sa Tondo, Maynila, na sumiklab nitong Miyerkules ng umaga.

Sa ulat ni Isa Avendaño-Umali sa Dobol B sa News TV, sinabing isang residential area ang nasunugan sa may Honorio Lopez ng Tondo.

Ayon sa inisyal na impormasyon ng Bureau of Fire Protection, umabot sa ikalawang alarma ang sunog ngunit marami umano ang mga bahay na naapektuhan.

Dalawa sa mga nasawi ay mga bata (4 at 5-anyos) at ang isa naman ay isang adult.

Pahayag ng isang kamag-anak sa mga namatay, natrap umano ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay nang sumiklab ang apoy.

Ayon sa ulat, naapula na ang sunog at iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng apoy. —LBG, GMA News