Arestado ang isang tindero sa Quezon City na nagkakatay ng baboy nang walang permit, ayon sa eksklusibong ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Lunes.
Napag-alaman din ng Quezon City Veterinary Department na ang mga karne ay galing sa Barangay Payatas, na isa sa mga barangay na apektado ng African swine fever.
Umaabot na sa 2,700 ang mga baboy na pinatay sa Barangay Payatas dahil sa ASF. Bukod dito, mahigit 4,000 baboy pa ang kinakailangan patayin sa nasabing barangay.
Aminado ang tindero na sa Brgy. Payatas niya binili ang baboy at kinatay sa kanyang bakuran kahit bawal.
"Buhay po naman iyan, wala pong sakit yan," anang tindero.
Mahaharap siya sa mga reklamong paglabag sa QC Veterinary Code, Food Safety act, at Sanitation code of the Philippines. —KBK, GMA News
