Posibleng marami ang nag-aabang sa magiging biyahe ni Secretary Salvador Panelo sa Biyernes matapos siyang kumasa sa hamon na mag-commute para maranasan ang araw-araw na pinagdadaanan ng mga karaniwang taon.

Pero ayaw ng kalihim na magkaroon ng media coverage sa kaniyang biyahe at sikreto rin daw kung anong oras at saan siya dadaan mula sa kaniyang bahay patungo sa Malacañang. 

Sa report ni  Joseph Morong sa GMA News "Saksi" nitong Huwebes, silipin ang isa sa posibleng ruta na kaniyang dadaanan gamit ang Google maps.

Kung tutuusin, hindi raw magiging masyadong mahirap ang posibleng maging biyahe ni Panelo na maaaring tumagal lang daw ng mahigit kalahating oras, kasama na ang nasa 12 minutong paglalakad. Panoorin.

--FRJ, GMA News