Hindi na papayagan ng pamunuan ng Manila South Cemetery ang paglilibing at paglilinis ng mga puntod mula sa ika-30 ng Oktubre (Miyerkules) hanggang sa matapos ang Undas.

Batay sa ulat ng Super Radyo dzBB nitong Linggo ng umaga, sinabi ng pamunuan ng sementeryo na hanggang sa darating na Martes na lamang papayagan ang mga aktibidad na nabanggit.

Samantala, hinihintay ng mga vendor sa Manila North Cemetery ang penal na desisyon ng Manila City Hall hinggil sa panukalang "no-vendor" policy sa panahon ng Undas.

Nakiusap ang mga vendor kay Mayor Isko Moreno na huwag ituloy ang panukala dahil maaapektuhan ang kanilang kabuhayan.

Nungunit, ayon sa ulat, sinabi ng staff ni Mayor Isko na desidido ang alkalde na ituloy ang panukalang no-vendor policy. —LBG, GMA News