Inihayag ng Malacañang ngayong Lunes na tatlong araw na magpapahinga sa trabaho si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo.
Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, batay sa nakuha niyang impormasyon mula kay Senador Christopher “Bong” Go, ang dating top aide ni Duterte, magsisimula ang pahinga ng pangulo sa Martes.
Sinabi ni Panelo na kinailangan ng pangulo na magpahinga batay sa mungkahi ng mga kaibigan at posibleng maging ng mga duktor na rin.
Dating nang sinabi ng Palasyo na pinayuhan si Duterte ng duktor na magpahinga at limitahan ang mga aktibidad bunga ng "muscular spasm" kasunod na pagkakatumba sa motorsiklo sa Presidential Security Group compound sa Malacañang Complex noong Oktubre 16. — FRJ, GMA News
