Naglabas ng paglilinaw ang tatay ng 10-taong gulang na lalaking sinasabing dinukot ng puting van.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabi ng ama ng bata na hindi totoo ang kumakalat na video sa social media na dinukot ng sindikato at kinuhaan ng lamang loob ang kanyang anak.

May tahi raw sa tiyan ang kaniyang anak dahil naoperahan ito noong 2016.

Balak niya raw ipa-counseling sa social worker ang anak.

Panawagan niya sa uploader na burahin na lang ang video dahil nagdudulot lang ng pangamba sa publiko.

Pinag-aaralan na rin daw nila ang isasampang reklamo sa uploader na hindi pa natutukoy sa ngayon. —KBK, GMA News