Nabigyan ng pagkakataong makapaglaba at makaligo ang maraming evacuee sa Laurel, Batangas sa tulong ng Unang Hirit.

Ginanap ang libreng palaba at paligo sa Splendido Taal Country Club kung saan pansamantalang nanunuluyan ang may 150 pamilya.

Sa pamamagitan ng Unang Hirit, nakagamit ang mga evacuee ng washing machine at dryer para labhan ang kanilang mga damit.

Libre rin ang paligo sa loob ng ilang portalets kung saan may mga shampoo at sabon.

Ikinatuwa ng mga evacuee ang libreng palaba at paligo. —KBK, GMA News