Hihikayatin umano ng mga kasapi ng PDP-Laban party si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong bise presidenre sa 2022 elections, ayon kay Deputy Speaker Eric Martinez

Ayon sa kongresista, isang resolusyon ang pinapaikot ngayon sa kanilang partido upang hikayatin si Duterte na tumakbo bilang bise presidente dahil matatapos na ang termino niya bilang pangulo sa 2022.

"Yes, there is such a resolution that's been going around PDP members. It's going around the country now as PDP members are being consulted," aniya Martinez.

Ang mga kasapi ng PDP mula sa National Capital Region ang una umanong suporta sa resolusyon. Nais umano nilang maipagpatuloy ng administrasyon ang mga nasimulang pagbabago.

"We feel continuity is the sentiment on this PDP reso and the President, with the highest approval rating ever seen in an incumbent President, holds the key to future decisions of the party," ayon kay Martinez.

Ayon naman kay presidential spokesperson Harry Roque, wala siyang alam sa naturang plano ng partido.

"I will consult the President on this. There was an instance when he mentioned that why would he run for Vice President when he already became President, but I don't know if there has been any change," sabi ni Roque.

Bagaman walang binanggit na pangalan si Martinez kung sino ang magiging presidential candidate ng partido na katambal ni Duterte, dati nang naiulat na may nagsusulong na tumakbong pangulo ang anak ni Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Mayroon din namang nagtutulak sa trusted man ni Pres. Duterte na si Senador Bong Go na tumakbo ring pangulo.

Kapwa nagpahayag naman sina Mayor Sara at Go, na wala sa isip nila ngayon ang pulitika at mas dapat umanong pagtuunan ng pansin ang pandemya.--FRJ, GMA News