Isang carnapping suspect na apat na taon nang pinaghahanap ang naaresto ng mga pulis sa Maynila, ayon sa ulat ni Jonathan Andal sa Unang Balita nitong Martes.

Kinilala ang suspek na si Oliver Vargas, na naaresto sa Sampaloc at sangkot din daw sa iligal na droga.

Hindi nagbigay ng detalye ang pulisya kung ano ang modus ni Vargas at sinu-sino ang mga nabiktima nito sa carnapping.

Itinanggi naman ni Vargas ang mga paratang. Aniya, hindi niya alam na may warrant of arrest na nakalabas para sa kaniya simula pa noong 2017. --KBK, GMA News