Isinama ng pamahalaan ang mga nagtatrabaho sa business process outsourcing (BPO) at mga Commission on Elections frontline employees sa A4 priority category ng COVID-19 vaccination program.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang naturang desisyon ay nakapaloob sa Resolution 116 ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Maliban sa BPO workers at Comelec personnel, pasok din sa A4.2 priority list ang mga dealer, retailer at attendants ng ng liquefied petroleum gas (LPG).

Ang A4 sector ay mga manggagawa na kailangang pumasok sa kanilang trabaho sakabila ng ipinatutupad na COVID-19 quarantine restrictions.—FRJ, GMA News