Isang lalaki na naka-quarantine dapat ang nakipag-inuman sa Barangay Capri sa Quezon City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Close contact daw ang lalaki ng isang kamag-anak na namatay dahil sa COVID-19.

Nang mabuking ng mga taga-barangay ang inuman ay agad nilang pina-swab test ang mga naroon. Dalawa sa kanila ang nag-positibo at nakihalubilo na rin sila sa iba bago pa na-swab test.

Sa kasalukuyan, aabot na sa 14 ang positibo sa COVID-19 sa lugar at  limang kalsada na sa barangay ang naka-special concern lockdown. —KBK, GMA News