Isang bata ang nalunod sa sapa sa Quezon City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Batay sa impormasyon mula sa mga taga-Barangay Payatas, naglalaro ang 7-taong gulang na batang lalaki habang naliligo sa ulan noong Sabado nang madulas ito sa sapa.

Natagpuan kinabukasan ang katawan ng bata sa Barangay Bagong Silangan.

Nakaligtas naman ang isa pang batang kalaro ng biktima. —KBK, GMA News