Wala pa ring nakatama sa lumabas na mga numero sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Miyerkules ng gabi, July 6, 2022.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na "zero" winner sa naturang draw.

Ang mga lumabas na numero ay 49-06-26-55-03-14, at mayroon itong kabuuang premyo na P367,534,100.00.

Samantala, wala ring tumama sa kasabay nitong draw para sa Megalotto 6/45.

Umabot ang premyo nito sa P23,608,475.00, at mga lumabas na mga numero ay 29-13-37-35-07-38. --FRJ, GMA News