Isang 51-anyos na retiradong pulis ang nasawi matapos siyang barilin ng isang negosyanteng kaniyang nakaalitan sa Quezon, Nueva Ecija.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na sana ang biktima nang lapitan at barilin siya sa Barangay Pulong Bahay nitong Huwebes.
Tinitingnang motibo sa krimen ang dati umanong alitan ng dalawa.
Kalaunan, kusang sumuko sa mga awtoridad ang suspek, na nahaharap sa reklamong murder.
Isinuko rin niya ang lisensiyadong baril na ginamit sa krimen.
Hindi pa siya nagbibigay ng pahayag, pati na rin ang kaanak ng nasawing bitima.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. – Jamil Santos/FRJ GMA News
