Kinuwestiyon ng dating House Speaker na si Leyte Rep. Martin Romualdez ang pagiging patas ng Ombudsman sa ginagawang imbestigasyon laban sa kanya. Iginiit niyang umaasa umano ang tanggapan sa mga testigong dati nang itinuring ng mga awtoridad na hindi kapani-paniwala ang testimonya na nais gamitin laban sa kaniya.

Sa isang pahayag, sinabi ni Romualdez na ang tanging hinihingi niya ay pantay na pagtrato sa ilalim ng batas. Aniya, binibigyang-halaga ng Ombudsman ang mga testimonya ng mga tao na dati na umanong napatunayang kulang ang kredibilidad ng mismong Ombudsman at ng Department of Justice (DOJ).

"Pantay na hustisya lamang ang hinihingi ko. But the Ombudsman is using witnesses he himself and now the DOJ have already publicly discredited," sabi ng abogado ni Romualdez.

Bagaman walang pinangalanan, sinabi niyang nahaharap ang mga ito sa mga kasong cyberlibel at perjury.

Kasalukuyang nahaharap sa mga reklamong cyberlibel at perjury ang 18 dating bodyguard ni dating House Appropriations Committee chair at Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.

"Ito ba ang patas na imbestigasyon? Mga testigong ibinasura na, kinasuhan pa ng cyberlibel at perjury — gagamitin pa rin para lang ituro ako at ako lamang," giit ng dating speaker.

Sa kabila nito, sinabi ni Romualdez na hindi siya matitinig sa mga hakbang na ginagawa ng Ombudsman.

"Hindi ako uurong sa laban na ito. Hindi ako matitinag. Gawin natin ang tama," giit niya.

Bilang tugon, tiniyak ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na mapagkakatiwalaan at matibay ang kanilang mga testigo at ang mga kalakip na dokumentaryong ebidensiya.

“The joint affidavit of the 18 ex-bodyguards is indeed riddled with credibility issues because there is no way 18 people can tell the exact same story with the exact same details in a singular document. It fails even an initial evaluation. However, when they executed the individual affidavits, our investigators determined that the details were clear and consistent insofar as the cash deliveries of Zaldy to Martin are concerned,” saad sa pahayag ni Clavano.—FRJ GMA News