Itinanghal ang Bibingka bilang ika-13 best cake sa mundo at pasok sa Top 50 ng Taste Atlas.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing nilabas ng naturang international food and lifestyle website ang kanilang listahan ngayong Hulyo.

Nakakuha ang bibingka ng 4.4 na rating sa Taste Atlas dahil sa pagiging homy at comforting na lasa ng sikat na kakaning Pinoy.

Ang sangkap ng bibingka ay harina, niyog, keso at mantekilla, at kadalasang ibinibenta tuwing Pasko. —Jamil Santos/LBG, GMA News