Mahigit P200 milyon na ang premyo sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Lunes ng gabi, Setyembre 26, 2022. Alamin kung may nanalo na.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sinabing wala pa ring nakatama sa mga lumabas na numero sa 6/55 draw nitong Biyernes.

Ang mga numero ay 07-52-03-34-46-50, at mayroon itong kabuuang premyo na P214,188,190.80.

Wala ring tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45. Ang number combinations naman ay 30-38-43-16-22-25, at mayroong premyo na P8,910,000.00.--FRJ, GMA News