Nasawi ang isang 18-anyos na lalaki sa nangyaring pamamaril sa lamay sa Caloocan City. Ang biktima, nadamay lang umano at hindi talaga ang target ng salarin.
Sa ulat ni Marisol Abdurahman sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, nakita sa kuha ng CCTV camera sa Barangay 153 ang biktima na kasama ang isa pang lalaki.
Nakita rin sa video ang suspek na may kasama ring lalaki. Kapuwa nagtungo ang apat sa isang burol sa lugar na nasa labas ng bahay.
Hindi nagtagal, nakita na ang biglang kaguluhan dahil nangyari na ang pamamaril, at natumba ang biktima.
Isinugod siya sa ospital pero binawian din ng buhay.
Ang ginang na si Marilou Ramos, hindi matanggap ang sinapit ng anak.
Ayon sa mga awtoridad, ang kasama umano ng biktima ang sadyang pakay ng suspek, na patuloy na pinaghahanap.
Nagkaroon umano ng away ang suspek at ang kasama ng biktima dahil sa rap contest.
“May kasama raw siyang isa na talagang yung daw ang talagang target. Nung pag-akmang babaril na naitulak niya yung biktima kaya yun ang tinamaan,” ayon sa punong barangay na si Ervin Lambojo.--FRJ, GMA News
