Sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na hiniling ni Presidential Management Staff (PMS) Secretary Zenaida Angping na mabigyan siya ng panahon para makasama ang pamilya at oras sa sarili.
Nitong Biyernes, sinabi ng OPS na pinahintulutan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., ang naturang kahilingan ni Angping, maybahay ni dating Manila Representative Harry Angping.
Inaalam ng mga mamamayag sa Palasyo kung nagbitiw ba sa kaniyang puwesto o naka-leave lamang sa trabaho si Angping. Wala pang opisyal na tugon ang OPS tungkol dito.—FRJ, GMA Integrated News
