Nagsimula nang pumila sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang ilang mga byaherong excited nang makauwi sa kani-kanilang mga probinsya para sa Kapaskuhan.

Iniulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Biyernes na sa unang araw ng tradisyunal na Simbang Gabi --December 16 -- may ilang byaherong maagang nagpunta sa PITX dahil mas kakaunti umano ang mga pasahero at less hassle.

Pasado alas-singko pa lamang ng umaga, masiglang-masilgla na ang galaw ng lahat sa PITX, ayon sa ulat.

Nakaabang na rin ang mga bus na byaheng Cavite, Laguna, at Batangas.

Nagpasya ang ilan nating mga kababayan na umuwi na sa araw na ito kahit may isang linggo pa bago ang Nochebuena para makaiwas sa siksikan upang maagang makarating at makapagpahinga ng maayos. —LBG, GMA Integrated News