Isa na namang mananaya ang tumama ng jackpot sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Sabado ng gabi, Marso 11, 2023. Bago nito, tatlong mananaya rin ang naka-jackpot sa magkakaibang lotto draw sa loob lang ng isang linggo.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na isa ang nanalo ng P29,700,000,00. sa Lotto 6/55 na ang lumabas na mga numero ay 45-29-12-03-26-51.

Wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Lotto 6/42, na ang lumabas na mga numero ay 03-09-12-33-22-18, at may premyong P5,940,000.00.

Pero sa Lotto 6/42 draw noong March 9, isa ang nanalo ng jackpot prize na P16,319,245.20, makaraang tamaan ang lumabas na mga numero na 06-18-26-29-17-11.

At noong March 7, nasolo ng isang mananaya ang premyong P109,630,146.00, matapos niyang mahulaan ang winning combination na 56-41-11-48-54-58.

Pero isang araw (March 6) bago tamaan ang higit P106 milyong premyo, may nanalo rin ng P12,171,239.80 sa  Megalotto 6/45 draw na ang lumabas na mga numero ay 26-43-11-18-05-45.

Noong March 4, may tumama naman ng mahigit P4.1 milyon jackpot sa 6D Lotto na ang lumabas na mga numero ay 2-3-1-4-2-4.

May tumama rin ng jackpot sa Superlotto 6/49 draw noong March 2 na mahigit P18 milyon ang premyo para sa mga numerong 20-30-35-28-18-21.--FRJ, GMA Integrated News