Isang babae na 21-anyos ang nasawi sa Brazil matapos ihulog siya mula sa isang tulay para sa rope jump pero nakalimutang ikabit sa kaniya ang safety cord, ayon sa pulisya nitong Linggo.

Sa mga video ng aksidente na naganap noong Sabado at kumalat online, makikitang binuhat ng dalawang lalaki ang biktima sa ibabaw ng kanilang mga ulo at inihagis mula sa Skeleton Bridge, sa loob ng São Paulo state. Napansin ng mga nanonood na wala siyang nakakabit na safety mechanism at sumisigaw ng, “Guys, the cord!”

"The safety equipment was not properly secured at the time of the jump. The victim did not survive the fall," saad sa pahayag ng pulisya sa Agence France-Presse (AFP).

Three men were arrested for "homicide with dolus eventualis" -- meaning they were aware of the risk of death but went ahead anyway.

Tatlong lalaki ang inaresto dahil sa kasong “homicide with dolus eventualis,” na nangangahulugang alam nila ang peligro ng kanilang gagawin ngunit itinuloy pa rin nila.

"Investigations are ongoing to determine the circumstances and establish liability," ayon sa pulisya.

Kinilala ng lokal na media ang biktima bilang si Maria Eduarda Rodrigues de Freitas. Ayon sa ulat, bumagsak siya mula sa tinatayang 40 metro (131 talampakan) at namatay dahil sa pinsalang natamo sa kanilang pagbagsak.

Ilang sandali bago ang aksidente, nag-post si de Freitas ng larawan ng lugar sa Instagram na may caption na: "Who was the crazy person who let me come jump off a bridge???"

Sa mga naunang video ng extreme sport na ito sa naturang tulay, na pinangangasiwaan ng Entre Cordas company, makikitang may makapal na safety cord na nakasuot sa baywang ng mga kalahok bago sila itulak pababa.

Ang rope jumping ay naiiba sa bungee jumping dahil gumagamit ito ng hindi gaanong elastic na lubid. Dahil dito, ang mga tatalon ay hindi tatalbog sa dulo kung hindi tila maglalambitin.

Ang itinuturing nag-imbento ng rope jumping na si Dan Osman ng Amerika, nasawi rin habang nagsasagawa ng rope jump noong 1998 sa edad na 35. — ulat mula sa Agence France-Presse/FRJ GMA News