Nagmistulang “Enchanted Forest” na kulay asul at lila ang kagubatan ng Hallerbos sa Belgium matapos mamukadkad doon ang halamang Bluebells.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing nangyayari ito tuwing Abril kaya dinarayo ng mga turista ang tinatawag na “Enchanted Forest” para makita ang mga bulaklak.

Umaabot lamang ng pito hanggang 10 araw ang pamumukadkad ng Bluebells. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News