Isang babae ang sugatan matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Tondo, Maynila nitong Sabado ng umaga.

Nangyari ang insidente sa kanto ng Velasquez at Osorio Streets, ayon sa ulat ni Jhomer Apresto sa Super Radyo dzBB.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District Station 1, lulan ng isang motorsiklo ang dalawang lalaking bumaril sa biktima.

Dinala na sa ospital ang biktima na hindi pa tiyak ang kalagayan.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakilanlan ng biktima pati na ang motibo ng mga suspek sa pamamaril dito.

Isang babaeng saksi ang kinakausap pa ng mga imbestigador. —KG, GMA Integrated News