Nasawi ang isang motorcycle rider matapos siyang sumalpok umano sa isang UV express bago magulungan ng closed van sa Pasig City.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Rosario, kung saan tumilapon ang biktima pagkabangga niya sa UV express.
Matapos nito, nagulungan ang rider ng closed van.
Sinabi ng driver ng UV express na si Ryan Sison na ikinagulat niya nang biglang sumalpok sa likuran ng kaniyang sasakyan ang rider.Rider, patay nang sumalpok sa UV express at magulungan ng closed van sa Pasig
Ang driver naman ng closed van na si Ritchie Aaron Hinata, walang alam na pumailalim sa kaniyang sinasakyan ang motorcycle rider.
Humingi ng tawad si Hinata sa pamilya ng biktima, habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente. — Jamil Santos/RSJ, GMA Integrated News
