Nasangkot sa aksidente ang dating British heavyweight boxing champion na si Anthony Joshua na dalawa ang nasawi sa Ogun, Nigeria. Nito lang nakaraang linggo, nanalo si Joshua sa laban ni American social media star na si Jake Paul, na nabasag ang panga sa kanilang sagupaan na ginanap sa Miami, USA.
Ayon sa Ogun State Police Command, nagtamo ng minor injuries si Joshua, 36-anyos, matapos bumangga ang kaniyang sasakyan sa isa pang sasakyan.
Dinala umano si Joshua sa pagamutan at patuloy na iniimbestigahan ang insidente.
Sinusubukan pang makuhanan ng pahayag si Joshua, ayon sa ulat ng Reuters.
British-Nigerian ang mga magulang ni Joshua.
Nitong nakaraang linggo, nanalo si Joshua laban kay Jake Paul na pinabagsak niya sa sixth round sa Miami.
Nangyari ang laban matapos ang 15-buwan na pahinga ni Joshua sa boxing. Target naman niyang sunod na makaharap sa 2026 ang long-time rival niya na si Tyson Fury. – mula sa ulat ng Reuters/FRJ GMA Integrated News
