Dalawang mananaya ang tumama sa Super Lotto 6/49 draw nitong Martes, August 15, 2023, na may premyong P31.7 milyon.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na ang lumabas na mga numero sa naturang draw ay 12-05-01-30-09-14, at may kabuuang premyo na P31,725,228.

Samantala, wala namang tumama sa mga kasabay nitong draw para sa Lotto 6/42 at Ultra Lotto 6/58.

Ang lumabas na kombinasyon ng mga numero sa Lotto 6/42 ay 22-17-13-20-18-01, na may premyong P14,070,525.29.

Habang 26-41-30-22-13-31 naman ang lumabas na mga numero sa Ultra Lotto 6/58 draw na may premyong P49,500,000.

Kaugnay nito, umabot na sa P1,138,943.84 ang jackpot prize sa 6D Lotto na wala ring nakahula sa lumabas na mga kombinasyon na 8-4-9-7-5-8. --FRJ, GMA Integrated News