Timbog ang isang babae sa loob mismo ng city hall sa Maynila dahil sa pagsasangla ng pekeng titulo ng lupa.

Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, kinilala ang suspek na si Melanie Singcay, na inaresto sa entrapment operation ng Special Operations Unit ng Manila Police District.

Inilahad ng biktima ni Singcay na isinangla sa kaniya ang titulo sa halagang P500,000.

Nagtungo rin sa estasyon ng pulis ang isa pang pinagsanglaan ni Singcay ng parehong titulo sa halagang P200,000.

Iginiit ng suspek na sa korte na lang siya magsasalita.

Mahaharap ang suspek sa kasong swindling, estafa at falsification of documents. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News