Hinarang at binangga ng mga sasakyang pandagat ng China Coast Guard ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na nagsagawa ng medical evacuation sa West Philippine Sea para sa sundalong maysakit sa BRP Sierra Madre, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
“Despite informing the Chinese Coast Guard via radio and public address system about the humanitarian nature of our mission for medical evacuation, they still engaged in dangerous maneuvers and even intentionally rammed the Philippine Navy Rigid Hull Inflatable Boat,” ayon sa pahayag ni PCG spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela nitong Biyernes.
"The CCG intentionally rammed as we transfer the personnel from the PN RHIB. The rendezvous point is at 15.43 nautical miles southeast off northeast Entrance of Ayungin Shoal,” dagdag pa ng opisyal.
????????China Coast Guard vessels and boats blocked and rammed ????????Philippine boats during a medical evacuation of a sick ????????Filipino personnel in the ????????West Philippine Sea on May 19, according to the ????????Philippine Coast Guard. Videos: PCG @gmanews pic.twitter.com/waJVbIbHCz
— Joviland Rita (@jovilandxrita) June 7, 2024
Ayon kay Tariella, miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakadestino sa BRP Sierra Madre, ang lumang barko na nakasadsad sa Ayungin Shoal, ang maysakit na sundalo na kailangan ng medikal na atensyon.
Noong Mayo 19 pa nangyari ang insidente pero ngayong Biyernes lang inilabas ng PCG ang mga video na makikita ang ginawa ng mga tauhan ng CCG.
Sinabi ni Tarriela na inilabas ng PCG ang insidente dahil nabanggit ito ng AFP kamakailan.
Sinusubukan pa ng GMA News Online na makuha ang pahayag ng Chinese Embassy sa Manila.
Sa kabila ng ginawa ng CCG, sinabi ni Tarriela na matagumpay pa ring naiwasan ng PCG at Philippine Navy ang barko ng Tsino at nadala sa ospital ang maysakit na sundalo.
“At 1515H on 19 May 2024, the sick AFP personnel was transported to the nearest hospital and received immediate medical attention,” ani Tarriela.
Tinawag ni Tarriela na “barbaric” at “inhumane behavior,” ang inasal ng CCG. Idinagdag pa niya na gumamit ng “excessive deployment” ang China sa nangyaring insidente na nagpadala ng dalawang China Coast Guard vessels 21551 at 21555, two small boats, at two rubber boats.
“Their actions clearly demonstrated their intention to prevent the sick personnel from receiving the proper medical attention he urgently needed,” ani Tarriela.
Ayon kay Armed Forces chief General Romeo Brawner, nitong Martes, nabigo ang unang attempt na madala sa ospital ang maysakit na sundalo sa Palawan dahil sa ginawang panghaharang ng mga tauhan ng China.
Ang ikalawang attempt ay ginawa kinabukasan, kasama ang Philippine Coast Guard, at naging matagumpay na ang pagsagip sa sundalo, ayon kay Brawner. — mula sa ulat ni Joviland Rita/FRJ, GMA Integrated News

