Isang bangkay ng babae ang nakitang kasama sa tambak ng mga basura sa isang dump truck sa Barangay Payatas nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), nakita ang bangkay sa Saint Beatriz Street corner San Lorenzo Street dakong 8:15 a.m.

Kaagad na nagtungo sa lugar ang mga pulis mula sa Payatas Bagong Silangan Police Station 13 para isi-secure ang crime scene, at nagsagawa ng imbestigasyon.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng babae at dahilan ng kaniyang pagkamatay.

“We appeal to the public for any information that may aid in the swift resolution of this case. Anyone with knowledge of the incident is encouraged to report to the nearest police station or contact QCPD directly,” ayon sa QCPD.

“Rest assured, all reports will be handled with utmost confidentiality,” pagtiyak ng pulisya. — mula sa ulat ni Joviland Rita/FRJ, GMA Integrated News