Hiniling ni Sagip Party-list Representative Rodante Marcoleta sa Commission on Elections na iproklama na ang nangungunang unang anim na kandidato sa partial and unofficial count sa Senate race.
"As of writing, 97.23% of election returns have already been transmitted, with herein movant, senatorial dandidate Rodante "Dante" Marcoleta, currently ranking 6th in the senatorial race, having garnered a total of 14,895,858 votes," ayon kay Marcoleta sa inihain na mosyon sa Comelec.
Inihayag ng kongresista na hindi na makakaapekto sa unang anim na kandidato ang makukuhang pang boto ng mga senatorial bet na nasa ika-7 hanggang ika-12 puwesto kahit pumasok ang nalalabing higit dalawang porsiyento ng ERs.
"Hence, may we respectfully pray that, should this Honorable Commission determine that it is statistically improbable for the rankings of the leading senatorial candidates to be altered based on the official canvass returns, it should consider allowing the early proclamation of the top-ranking Senators whose positions can no longer be reasonably contested," pahayag pa ni Marcoleta.
Kasama rin sa mosyon ng kongresista ang hiling sa Comelec na ipaliwanag ng komisyon ang umano'y discrepancies/duplication sa partial unofficial votes.
Kabilang si Marcoleta sa 12 Senate bets na inindorso ng PDP Laban na pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakadetine ngayon sa The Netherlands dahil sa kinakaharap na kasong crimes against humanity sa International Criminal COurt bunga ng kaniyang war on drugs campaign.
Nitong Martes, nagtipon na ang Comelec, bilang National Board of Canvassers (NBOC), para simulan ang canvassing sa boto ng mga kandidatong senador at party-list groups sa ginanap na Eleksyon 2025 nitong Lunes.
Target ng NBOC na maiproklama ang 12 nanalong senador sa Sabado, May 17.— mula sa ulat ni Llanesca T. Panti/FRJ, GMA Integrated News