Anim ang sugatan sa karambola ng apat na sasakyan sa eastbound lane ng EDSA-Quezon Avenue tunnel sa Quezon City nitong Miyerkoles ng umaga.Sa isang pahayag ng Quezon City Police District (QCPD), sinabing dinala sa ospital ang mga biktima, kabilang ang isang pulis.“Sa kabutihang-palad, wala namang nagtamo ng malubhang pinsala,” ayon sa QCPD.Nasa kustodiya naman ng mga awtoridad ang driver ng bus habang isinasagawa ang imbestigasyon.Sa hiwalay na pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinabi nito na isang bus, dalawang UV Express at isang motorsiklo ang sangkot sa karambola.Kabilang sa mga nasaktan ang rider ng motorsiklo, pati na ang dalawang driver ng UV express at tatlong pasahero nila. UPDATE: Pulis na sakay ng motorsiklong naaksidente sa karambola sa EDSA-Quezon Avenue Tunnel, malubha ang lagay. | via @allangatus pic.twitter.com/cNXnaIY3lD— DZBB Super Radyo (@dzbb) May 14, 2025<\script><p> </p><p>Sa hiwalay na ulat ni Allan Gatus sa Super Radyo dzBB, sinabing batay sa imbestigasyon, nakatigil ang dalawang UV express at nagtatalo ang mga driver nito, at inaawat ng isang pulis nang mabangga sila ng bus. </p><p>Ang pulis umano ang rider ng motorsiklo na kasama sa karambola, na tumigil nang makitang nagtatalo ang dalawang driver ng UV Express para umawat sana. --<strong> mula sa ulat ni Joviland Rita/FRJ, GMA Integrated News</strong></p>