Nasapul sa video ang pagsubok ng tatlong lalaki na dukutin ang isang babae na anak ng crypto businessman sa Paris, France.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, mapanonood sa isang video na tinatangka ng mga salarin na hilahin ang babae papunta sa isang van.
Gayunman, mahigpit ang hawak ng babae sa kasama niyang lalaki.
Ilang saglit lang, dumating ang isang lalaking may dalang fire extinguisher upang tulungan ang dalawa.
Tumakas ang mga salarin matapos mabigong makuha ang babae.
Lumabas sa imbestigasyon na anak ng isang crypto-businessman ang babae.
Sinabi ng mga awtoridad na ito ang ikatlong insidente ng pag-atake sa mayayamang crypto players at sa kanilang pamilya sa mga nakaraang buwan.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
