Muntik nang maging kuwento ang isang lalaking natutulog sa ibaba ng double deck bed nang nabagsakan siya ng kaniyang dalawang lalaki na nakapuwesto sa itaas niya.
Ayon sa YouScooper na si Neil Sullivan, nangyari ang nahuli-cam na insidente sa kanilang apartment sa Taguig City nitong Martes, August 12, 2025.
Si Neil ang nakahiga sa ibaba ng double deck at mga kapatid niya ang dalawang lalaki na nasa itaas niya at bumagsak sa kaniya.
Ligtas naman daw silang lahat matapos ang insidente na nahuli-cam.
"Sa sahig po kami for now [kami natutulog]. Naghahanap pa kami ulit ng bakal na double deck po," sabi ni Neil sa panayam ng GMA Integrated News.
May mahigit na 69,000 shares na ang video sa Facebook.—FRJ GMA Integrated News

