Sa Quezon City tinayaan ang ticket na solong tumama sa Grand Lotto draw nitong Lunes, October 6, 2025, na umabot ang jackpot prize sa P223.580 milyon.
Sa Facebook page na PCSO Games Online Hub, nakasaad na sa lotto outlet sa Barangay Mariana sa Quezon City, tinayaan ang winning ticket.
Ang lumabas na kombinasyon ng mga numero sa naturang draw ay 21-27-51-19-14-53, na may kabuuang premyo na P223,580,197.60.
Sa taong ito, apat na beses na may solong nanalo ng jackpot prize sa mga Grand Lotto draw.
Sa website ng PCSO, nakasaad na isa ang nanalo ng mahigit P29 milyon noong Enero 8, 2025; isa ang nanalo ng mahigit P331 milyon noong Mayo 17; isa ang nanalo ng mahigit P72 milyon noong June 30; at itong Oktubre 6 na mahigit P223 milyon ang premyo.—FRJ GMA Integrated News

