Nasawi ang isang lalaki matapos siyang barilin ng suspek sa isang inuman sa Barangay 465 sa Sampaloc, Maynila.
Sa ulat ng GMA News Saksi nitong Miyerkoles, sinabing nagtakbuhan ang mga tao nang mayroong magpaputok ng baril.
Sa kuha ng CCTV camera, makikita ang isang babae na tumakbo palayo sa lugar ng kaguluhan at kasunod niya ang isang lalaki na sinasabing nagpaputok ng baril.
Nakita namang nakabulagta sa bangketa ang isang lalaki at patay na matapos magtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan.
Ayon sa pulisya, nagkapikunan ang suspek at biktima na nauwi sa pamamaril. – FRJ GMA Integrated News
