Nahuli na ang ikalawang akusado na nanloob sa apartment ng 13 masahista at nanghalay sa dalawa sa kanila sa Pasay City noong Agosto 29.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Biyernes, sinabing nadakip ng mga awtoridad ang lalaki sa Malate, Maynila sa bisa ng warrant of arrest.

Reklamong robbery with rape ang kinahaharap ng mga akusado.


Una nang sumuko sa mga awtoridad ang kasabwat ng lalaki. Pareho nilang itinanggi ang mga alegasyon. —Jamil Santos/ VAL GMA Integrated News