Naghain ng "not guilty" plea ang walong akusado sa kaguluhan sa flood control sa Oriental Mindoro nitong Huwebes sa kasong graft na isinampa laban sa kanila sa Sandiganbayan.
Ang walong akusado na nagtungo sa 5th Division ng Sandiganbayan para sa kanilang arraignment ang mga sumusunod, batay sa ulat ni Christian Maño ng Super Radyo dzBB:
- Gerald Pacanan, DPWH Regional Director
- Gene Ryan Altea, DPWH Assistant Regional Director
- Ruben D.S. Santos, DPWH Assistant Regional Director
- Dominic Serrano, DPWH Chief, Construction Division; Bids and Awards Committee (BAC) Chairperson
- Felisardo Casuno, DPWH Project Engineer 3
- Lerma Cayco, DPWH Accountant IV
- Dennis Abagon, DPWH OIC-Chief, Quality Assurance and Hydrology Division; Regular Member, BAC
- Engineer Montrexis Tamayo, DPWH-Mimaropa’s Planning and Design Division officer-in-charge
Hindi sumipot sa korte si DPWH Chief Maintenance Division Juliet Calvo kaya inilipat sa Disyembre 2 ang kaniyang arraignment.
Itinakda ng korte ang pre-conference para sa kasong graft sa Enero 9, 19, at 26; pati na rin sa Pebrero 5, 12, 19, at 26 sa 2026.
Samantala, itinakda ng 6th Division ng Sandiganbayan ang arraignment ng parehong akusado para sa kasong malversation sa Disyembre 2. — Jamil Santos/RSJ GMA Integrated News

