Anim katao ang nasawi matapos bumangga ang sinasakyan nilang multicab sa isang bus sa Ragay, Camarines Sur nitong Miyerkoles ng gabi.

Sa ulat ng GTV News State of Nation (SONA) nitong Miyerkules, sinabi ng pulisya na pawang kawani ng Lupi local government ang mga biktima.

Mag-a-outing umano ang mga biktima nang makasalpukan nila sa Andaya highway ang bus na galing naman sa Maynila.

Nawasak ang multicab habang nagtamo rin ng matinding pinsala ang bus.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.— FRJ GMA News