May promotional one-way fares ang budget carrier na Cebu Pacific na hanggang P1 para sa mga domestic at international destinations bilang bahagi ng kanilang 30th anniversary celebration.
Maaaring i-book ang mga promotional fare— hindi kasama ang ibang fees at surcharge —mula Huwebes, Marso 5, 2026 hanggang Miyerkules, Marso 11, 2026. Mula Nobyembre 1, 2026 hanggang Marso 31, 2027 ang travel period.
Una nang inanunsyo ng airline ang P30 one-way base fares na available sa buong buwan ng Marso, na may travel period mula Abril 1 hanggang Nobyembre 30, 2026.
Sa kasalukuyan, nag-o-operate ang Cebu Pacific sa 37 domestic at 26 international na destinasyon sa buong Asya, Australia, at Middle East.
Iniulat ng airline na umabot sa 26.878 milyon ang kanilang naging pasahero noong 2025, na mas mataas ng 9.5% kumpara sa 24.541 milyon noong nakaraang taon. Sa bilang na ito, 18.502 milyon ay domestic passengers at 6.039 milyon naman ang international.— Jon Viktor D. Cabuenas/FRJ GMA Integrated News

