Naghabol sa ikalawang set ng kanilang laban si Alexandra “Alex” Eala bago napataob si Alina Charaeva, 6-2, 7-5, sa WTA 125 Birmingham Open Round of 16 nitong Huwebes.
Matapos halos malampaso sa unang set, muntikang maitulak ni Charaeva sa ikatlong set ang laro nang umabante siya sa 5-2 na kalamangan sa ikalawang set.
Gayunman, nagawang makabawi ni Eala at nagwagi sa lahat ng sumunod na laro upang tuluyang makamit ang panalo at maipako sa 5 ang puntos ni Charaeva.
Sa quarterfinals, makakaharap ni Eala si Mananchaya Sawangkaew ng Thailand, na dati na niyang nakalaban.
Huling nagharap sina Eala at Sawangkaew sa laban para sa gintong medalya sa 2025 Southeast Asian Games noong nakaraang Disyembre.
Sa naturang laban, nasungkit ni Eala ang gold medal nang talunin niya si Sawangkaew sa iskor na 6-1. 6-2. –FRJ GMA News

