Patuloy na nauugnay si Jillian Ward sa ilang personalidad, at ang bagong Sparkle artist na si Kobie Brown na latest na iniuugnay sa kaniya.
Ngunit nang tanungin sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, ang tungkol sa kaniyang love life, nanatiling tahimik ang Star of the New Gen.
“Gusto ko rin po maprotektahan ‘yung tao sa paligid ko, whether family ko ‘yun, or friends ko, or loved ones,” paliwanag ni Jillian.
“Gusto ko na maging private siya para mas ma-cherish ko ‘yung mga connections ko, relationships ko with people. And I want to protect their privacy, lahat ng mga tao around me,” dagdag niya.
Samantala, nagbigay naman ng payo kay Jillian ang makakasama niyang hurado sa “The Clash Teens” na si Christian Bautista tungkol sa usapin ng pag-ibig.
“From the onset palang ng mag-de-date or whatever, sana maging honest na siya at ikaw sa isa’t isa,” pahayag ni Christian.
“’Yung talagang wala nang best foot forward. Ito ako, ito siya, how will we make this work,” dagdag niya.
Sina Jillian, Christian, at si JL ng BGYO ang bumubuo sa panel of judges ng “The Clash Teens.”
Mapapanood ang unang episode ng “The Clash Teens” sa Hunyo 7, sa ganap 7:15 pm sa GMA-7. — FRJ GMA News
